10 ordinansa ng Bayan ng Panukulan, Quezon, aprubado sa committee hearing ng SP Quezon
Sumalang sa pagdining ng komitiba ng transportasyon ang 10 iba’t ibang ordinansa ng Bayan ng Panukulan Quezon upang pagtibayan sa Sangguniang Panlalawigan.
Matapos ipresenta ng Panukalan Sangguniang Bayan Secretariat at konsehal na may hawak ng komitiba ng ordinansa ang mga nilalaman nito, masusi itong sinuri ni 1st District Board Member Julius Luces ang Committee Chairman ng Transportation ng Sangguniang Panlalawigan at Vice Chairman nito na si Ex-officio Member Ireneo “Boyong” Boongaling.
Matapos masagot ng mga nagpresenta sa pagdinig ang ilang maga katanungan at paglilinaw hingil sa pagpapatibay sa Sangguniang Panlalawigan ng mga panukala na kautusang pambayan na mahigpit na nagbabawal sa sinumang tao, negosyo o establisimyento na magtayo ng ano mang istruktura at maglagay ng anumang bagay o disenyo na maaaring istorbo o sagabal sa maayos na daloy ng transportasyon sa mga kalye at lansangan sa nalooban ng Bayan ng Panukalan.
Inaprubahan na ito sa committee level at iaakyat na sa plenaryo ng Sangguniang Panlalawigan para sa deliberasyon at pagdinig.
“Iaakyat po ito sa regular session sa plenaryo. Doon po ay i-se-second reading po ito, muli magkakaroon po ng deliberasyon. Ang mainam po dito ay mayroon na pong pagsang-ayon sa ating mga kasamahan sa komitiba,” sabi ni Bokal Julius Luces, Committee Chairman ng Transportation.
Matapos nito, siyam pa na panula na kinalooban ng pagtatatag ng mga ruta at mga alitintunin ng mga tricycle mula sa iba’t ibang barangay sa naturang munisipalidad ang kasabay ring inaprubahan matapos na ito ay masuri at mapag-aralan ng komite.
“Ito po ay patungkol sa transportasyon, mga bagong ruta, creation ng mga bagong ruta para po sa mga kasamahan nating tricycle operators sa bayan po ng Panukulan at ito po ay aming inaral at sinalang mabuti at inaprubahan po natin ang mga rutang ito kaya magkakaroon po ng mga bagong biyahe ang mga kasamahan po nating mga tricycle operator sa bayan ng Panukulan,” dagdag pa ng bokal.