1000 indibidwal nakinabang sa programang TUPAD ng DOLE
May 1000 beneficiaries ang tumanggap ng P4,000 na pay-out sa ilalim ng Tulong Pangkabuhayan para sa mga Disadvantaged/ Displaced workers o TUPAD program ng Department of Labor and Employment o DOLE sa Lucena City, ngayong Martes, February 8.
Ito ay naisakatuparan sa pakikipag-ugnayan ng tanggapan ni Quezon 2nd District Congressman David Suarez sa nasabing kagawaran.
“Ngayon po ay mayroon po tayong 1000 beneficiaries, wala tayong partikular na barangay, ikinalat natin ito sa buong Lungsod ng Lucena kaso lang ito po ay batch 1 ng TUPAD beneficiaries natin for this round”.
Lubos ang pasasalamat ni Congressman Suarez sa DOLE maging ng mga beneficiaries sa inisyatibong ito ng kongresista na makapagbigay ng emergency employment assistance lalot higit ngayong panahon ng pandemya.
“Kaya nagpapasalamat po ako sa DOLE sa pagpatuloy nilang pagbibigay ng TUPAD emergency employment assistance sa ating mga informal workforce, sa mga nawalan ng trabaho, sa mga gustong maghanap-buhay para naman makatulong sila sa kanilang pamilya”.
Ang mga beneficiaries ay binigyan ng TUPAD ID, shirts at sombrero gayundin ng face mask at face shield.
Hangad ni Congressman Suarez na makapag-abot ng tulong sa lahat ng Quezoniang nangangailangan.