10K cash gift sa mga aabot ng edad 80,85,90, 95, kasado na
Makatatanggap na ng P10,000 cash gift ang mga senior citizen na magdiriwang ng kanilang ika-80, 85, 90, at 95 kaarawan matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang inamyendahang Republic Act No. 192 o Centenarian Act.
Pagkakalooban ng nasyunal na pamahalaan ang nakatatandang sektor kada limang taon ng P10,000 kapag sumapit sila sa edad na 80 hanggang umabot ng edad 95.
P100,000 naman ang matatanggap nila sa pagsapit ng kanilang ika-100 kaarawan.
Ayon kay Pangulong Marcos, layon ng batas na ito na iparamdam sa nakatatandang sektor ang suporta ng pamahalaan sa pag-aangat ng kalidad ng kanilang buhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal upang ma-enjoy ito habang sila ay nabubuhay.