11-anyos na batang lalaki patay matapos ma-trap sa nasusunog na bahay sa Lucena City
Patay ang isang 11-anyos na batang lalaki matapos ma-trap sa nasusunog na bahay sa Bangkok Street University Village sa Barangay Ibabang Dupay, Lucena City.
Ayon sa isang opisyal ng barangay pasado alas 9:00 kagabi Oktubre 25, 2022 ng mangyari ang trahedya mabilis na sumiklab at kumalat ang apoy, sinubukan pang i-rescue ang biktima subalit lubha ng malaki ang apoy at nakakandado ang gate ng nasusunog na bahay.
“Kaso nga lang hindi kaya ng tao na pasukin madisdisgrasya ang marami dahil na pinipilit nga dito at sa harap na dumaan e talagang walang magawa,’’ ayon kay Barangay Kagawad Rogelio Chaves.
Kinilala ang biktima na si Alferdo Reniva, sa imbistigasyon ng Bureu of Fire Protection naiwan umano ang bikitma na nag-iisa sa loob ng kanilang bahay matapos umalis ang nakakatanda nitong kapatid, tanging ang magkapatid lamang ang kasalukuyang naninirahan sa naturang bahay na walang daloy ng kuryente matapos na maputulan.
“Ayon sa aming arson investigation, ayon sa mga kapit-bahay na-ilock daw yoong bata sa loob iniwan noong panganay na kapatid na may pinuntahan,’’ ang sabi ni FSupt. Aurello Zalun ang Fire Marshal ng Lucena BFP
Sa kung ano ang sanhi ng sunog patuloy pang iniimbistigahan ng Lucena BFP.
Ayon kay FSupt. Aurello Zalun ang Fire Marshal ng Lucena BFP, 9:15 ng gabi ng maitawag sa kanilang himpilan ang pangyayari, mabilis daw na rumesponde ang ambulansya at mga fire truck ng Lucena BFP para apulahin ang apoy.
“5 minutes po yung responde within the area kung saan ‘yung nasusunog so pagdating doon sabi ng mga tao ay may na-trap daw na bata, dali-dali kami nag-rescue ang problema isa malaki na yoong sunog then naapula naming yung sunog then nahanap namin yung bata na-trap sa loob ng bahay,” ang sabi ni FSupt. Aurello Zalun.
Umabot sa first alarm ang nangyaring sunog, alas 10:01 ng gabi ng maideklara itong fire under control, alas 10: 45 naman ng madiklara na itong fire out.
Sa inisyal na pagsusuri hindi bababa sa 500, 000 pesos ang pinsahala sa nangyaring trahedya.
Wala namang ibang nadamay pa sa pangyayari.
“On that time apat kaagad ang yoong truck nating rumesponde naagapan kaagad young sunog,” dagdag pa ni FSupt. Aurello Zalun.