News

11 sako ng basura, nakolekta sa ‘cleanup drive’ sa Lucena City

Nasa 11 sako ng mga basura ang nakolekta ng Quezon Maritime Police Station sa Purok 3B Ibaba, Brgy. Dalahican sa Lungsod ng Lucena.

Ito ay matapos ang kanilang isinagawang Coastal Clean-up Drive sa naturang lugar mula alas-8:30 ng umaga hanggang alas-9:30 ng umaga noong Martes.

Kabilang sa mga nakolekta ay ang mga plastic bags, plastic bottles, styro containers, at iba pa kung saan napuno nito ang nasa 11 sako.

Katuwang ng Quezon PNP Maritime Group sa naturang aktibidad ang mga estudyante ng Diploma in Hotel Services and Technology.

Ayon sa Quezon Marpsta, layunin ng naturang cleanup drive ay ang makatulong na pagandahin ang mga coastal area sa Lalawigan ng Quezon upang mas lalo pa itong maging atraksyon sa mga turista at iba pang bisita.

Panawagan ng Quezon Marpsta sa publiko, nasa kamay ng mga tao ang pangangalaga sa kapaligiran kaya kung gusto umanong maabutan pa ng mga susunod na henerasyon ang kagandahan nito, kailangang maging disiplinado at responsable ang lahat sa pagpapanatili ng kalinisan.

Pin It on Pinterest