News

17 motorista, huli at na-impound sa operasyon ng HPG at LTO

Aabot sa 17 behikulo na karamihan ay motorsiklo ang na-impound sa One-time Big-Time Operation na ginawa ng PNP Highway Patrol Group sa kahabaan ng Brgy. Calumpang sa Lungsod ng Tayabas sa ilalim ng supervision ni PCPT Manuel Abalos, Provincial Officer ng HPG Quezon.

Pasado alas- 6 pa lamang ng umaga nang magsimulang magsagawa ng panghuhuli ang HPG katuwang ang Land Transportation Office.

Ayon kay PEMS Armando Salosa ng HPG, kabilang sa mga hinuling motorista ay ang paglabag sa No Plate, hindi pagsusuot ng helmet ng mga nagmomotor at iba pang mga paglabag habang pansamantala namang na-impound ang isang kotse dahil sa walang maipakitang papeles ang may gamit rito.

“Bale ilan din ‘yung nahuli at na-impound natin ang mga violations nila ay walang plaka, expired ang rehistro, walang lisensya, walang helmet 16 MC at isang MV ‘yung kotse ang mga violations nung kotse syempre walang dalang, so kailangan natin ditong i-verify sa opisina temporarily impound para imbestigahan natin but walang dalang rehistro.”

Ang nasabing operasyon ay para masiguro na ang lahat ng sasakyan na bumabiyahe sa mga national road sa probinsya ng Quezon ay rehistrado at hindi mga nakaw.

Ayon pa kay Salosa, regular itong ginagawa ng kanilang ahensya para na rin umano sa kaligtasan ng mga nasa lansangan.

“Weekly ginagawa namin ‘yung ganito One-Time Big-Time Operation. Ito naman po ay weekly namin ginagawa isang beses nag-ooperate ng One-Time Big-Time Operation.”

Kautusan rin umano ito mula kay Provincial Officer ng HPG Quezon, PCPT Abalos kasama ang iba pang ahensya na nagpapatupad ng batas sa kalsada na magsagawa ng ‘One Time Big Time’ na operasyon sa buong lalawigan.

Pin It on Pinterest