News

172 Pawikan Hatchings, pinakawalan sa baybaying dagat sa Sariaya, Quezon

Kamakailan ay pinakawalan ang nasa 172 pawikan hatchlings sa baybayin ng Barangay Bignay 2 at Barangay Guisguis Talon sa bayan ng Sariaya, Quezon.

Ang naturang mga pawikan ay mula sa pangangalaga ng mga kawani ng Bantay Dagat at Municipal Environment and Natural Resources Office o MENRO na nananahan sa Marine Turtle Hatchery ng naturang barangay.

Kaugnay nito, dumalo sa naturang pagpapakawala ng pawikan ang mga kawani mula sa City Environment and Natural Resources Office (CENRO) Tayabas, Bantay Dagat, at Barangay Officials ng Barangay Bignay 2 at Barangay Guisguis Talon Sariaya, Quezon.

Samantala, inaasahan umano ng naturang bayan at ng mga miyembro ng Bantay-Dagat na nasa 1,500 pang pawikan ang mapapakawalan hanggang sa buwan ng February 2023.

Pin It on Pinterest