News

1M Reward, Para sa mga Suspect sa Pamamaril kay Infanta Mayor Grace America

Nakahandang magbigay ng isang milyong pisong reward money si Quezon Governor Danilo Suarez sa sino mang makakapagturo sa utak ng tangkang pagpatay kay Infanta, Quezon Mayor Filipina Grace America.

Nitong Martes, March 21, inanunsyo ng gobernador ang pagkakaloob ng P1 milyon bilang pabuya sa sinumang makapagbibigay impormasyon sa pagkakakilanlan ng nasa likod ng pamamaril sa nasabing alkalde.

“I’m offering P1 million reward to who can tell me the information who is behind the assassination of Mayor Grace,” pahayag ni Gov. Suarez.

Si Mayor America ay nakalabas na ng pagamutan at ngayon ay nagpapalakas na lang sa kanilang tahanan. Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng Quezon Police upang matukoy ang motibo sa tangkang pagpaslang sa alkalde at kung sino ang mga salarin.  Pulitika ang isa sa tinitingnan na dahilan sa pamamaril.

Noong Pebrero 27, pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek si America habang sakay ng kanyang sasakyan na noon ay kagagaling lamang sa simbahan. Nagtamo ang alkalde ng mga tama ng bala sa katawan na kaagad na dinala sa isang ospital sa Maynila sakay ng isang airbus ng Philippine Air Force. Planong namang bigyan ng gobernador ng komendasyon ang Philippine Air Force sa mabilis na pagtugon upang mailipat ng pagamutan ang noo’y binaril na alkalde. Samantala, habang naka-confine ang alkalde ay nasabat naman ng NBI sa bayan ng Infanta ang 18 bilyon pisong na halaga ng shabu. Magkakaloob din ang gobernador ng P1 milyong pabuya sa makapagtuturo kung sino ang nasa likod ng nasabing shabu shipment.

Pin It on Pinterest