News

1st Batangas Olympics: Bayan ng Sto. Tomas 1st Runner Up

Tinanghal na 1st Runner Up ang Mucipal Disaster Risk Reduction Management Office ng bayan ng Sto. Tomas sa Lalawigan ng Batangas sa katatapos lamang na kauna-unahang Batangas Rescue Olympics. Layunin ng Rescue Olympics na maipakita ng bawat bayan ang kanilang kakayanan sa oras na dumating ang anumang sakuna. Sinusukat din sa rescue olympics ang pag-a-analisa ng bawat MD at CDRRMO ng Lalawigan ng Batangas sa iba’t ibang sitwasyon na maaaring kaharapin ng mga ito.

Ang Batangas Rescue Olympics ay kaugnay pa rin ng National Disaster Resilience Month na isinasagawa tuwing buwan ng Hulyo. Layunin nitong mas mapalawak pa ang kaalaman hindi lamang ng mga rescuers kundi ng mamamayan ang dapat na gawin sa oras ng kalamidad at kung papaano makakaiwas sa mga sakuna. Katuwang naman ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang Philippine Red Cross Batangas City Chapter sa ginanap na rescue olympics sa lalawigan.

Pin It on Pinterest