2 bagyo, posibleng pumasok sa PAR; ilang bahagi ng Calabarzon, posibleng maapektuhan
Dalawang bagyo ang maaaring mabuo o pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Mayo.
Ayon kay PAGASA state weather bureau specialist Rhea Torres, may dalawang scenario ang posibleng maganap kung mabuo ang bagyo at pumasok sa PAR.
Una, maaari umanong lumapit sa kapuluan ang bagyo bago ito lumihis sa bansa.
Ikalawa umano ay kung mas mababa ang magiging entry point o nabuo sa Silangang bahagi ng Mindanao, maaaring tawirin nito ang Eastern Visayas, Bicol Region, Mimaropa at ilang parte ng Calabarzon bago ito tumulak patungong West PH Sea at tuluyan nang lalabas ng bansa.