2 binata huli dahil sa pagbebenta ng marijuana sa Tayabas City
Huli ang dalawang binata na nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot sa magkahiwalay na drug buy bust operation ng pulisya sa Lungsod ng Tayabas.
Sa ikinasang drug buy bust operation sa pamunuan ni PLT.COL. Bonna Obmerga, hepe ng Tayabas City Police Station at koordinasyon sa PDEA 4A at PDEA Quezon ay nahuli ang pinaghihinalaan na si Mark Anthony Labasan Silva alyas Macmac, 20-anyos, estudyante at residente Brgy. San Isidro Zone 3 ng naturang lungsod.
“Patuloy pa rin po ang ating kampanya laban sa iligal na droga kung saan noong isang gabi mayroon tayong nahuling dalawa na nagbebenta ng marijuana”. COP of Tayabas PLTCOL. Bonna Obmerga.
Nakipagtransaksyon sa bahagi ng Bypass road Brgy. Lalo sa nasabing lungsod ang suspek sa pulis na nagsilbing buyer bitbit ang isang pakete ng hinihinalang iligal na droga kapalit ng P200.
Nakuha sa pag-iingat ni Silva ang 1 sachet ng hinihinalang pinatuyong dahon ng Marijuana na may timbang na 3.5 na gramo at may street value na P1,260.
Samantala, sa kulungan din ang bagsak ng isang binata pa matapos mahuli sa parehas na operation ng pulisya sa Brgy. Wakas ng lungsod.
Kinilala ng Tayabas City PNP ang suspek ay si Ram Joshua Salazar Delmo, 19-anyos, single, delivery driver at residente ng Brgy. San Isidro Zone 3 ng naturang lungsod.
Sa direktiba ni PLt.Col. Obmerga na ikinasa ng Tayabas Drug Enforcement Unit na anti-illegal drug buy bust operation sa pakikipag-ugnayan din sa PDEA Quezon kung saan positibo umanong nabili sa suspek ang isang pakete na naglalaman ng pinaghihinalaang marijuana.
Narekober kay Delmo ang 2 sachet ng hinihinalang pinatuyong dahon ng Marijuana na may timbang na 5.24 na gramo at may street value na P1,886.40.
Ang dalawa ay nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.