News

20 mga estudyante sa LCNHS-Mayao Silangan Extension, nagtapos sa Project PARES

Nasa 20 mga estudyante ng LCNHS-Silangang Mayao Extension ang nagtapos sa Project PARES ng nasabing paaralan.

Sumailalim ang mga mag-aaral sa ilang buwan na one-on-one tutorial sa Project PARES sa tulong ng mga volunteer tutors mula sa mga miyembro ng KKDAT-Mayao Silangan.

Kinilala sa naturang programa ang improvement at kasipagan ng mga estudyante na matiyagang pumapasok.

Dahil dito, pinarangalan sila ng isang sertipiko mula sa paaralan.

Nagbahagi naman si KKDAT- Mayao Silangan President Gianne Pagana at KKDAT- Mayao Silangan Vice President Christian Regidor ng maikling mensahe upang pasalamatan ang mga guro at volunteer tutors na walang sawang nag tiyaga na tutukan ang mga bata para sila’y may matutunan at upang mapagtagumpayan na maisakatuparan ang proyekto sa gitna ng pandemya.

Nagpahayag din si Kapitana Nieves Maaño ng kanyang pasasalamat sa lahat ng naging parte ng proyekto. Ibinahagi niya na siya ay labis na nagagalak kaya naman ang buong Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ay patuloy na sumusuporta sa mga ganitong klase ng proyekto dahil ito’y nakabubuti sa mga kabataan o mamamayan ng Barangay Silangang Mayao.

Pinasalamatan naman ng paaralan ang mga miyembro ng KKDAT-Mayao Silangan. Ang bawat volunteer tutors ay nakatanggap ng sertipiko para sa kanilang paghahatid ng serbisyo o pagtuturo sa mga bata.

Bago matapos ang programa, nagsagawa ang paaralan kasama ang KKDAT volunteer tutors at si Kapitana Maaño ng signing para sa pledge of commitment.

Pin It on Pinterest