20 milyong halaga ng Water System, handog sa bayan ng General Luna
Binigyang kahilingan ni Congressman Reynante Arrogancia ang pagkakaroon ng maayos na daloy ng tubig sa bayan ng General Nakar partikular sa Poblacion Area.
September 2022 nang magtungo umano ang nasabing bayan kay Cong. Arrogancia upang idulog ang kanilang kahilingan.
Agad namang tinugunan ang kanilang hinaing at pinondohan ang paglalagay ng water system sa General Nakar.
Kaugnay nito, nagtungo ang kawani ng DPWH III sa pangunguna ng Survey Team Head Engr. Sid Cabangon kasama sina Engr. Lorenz Carlo Gonzales at si Engineering Assistant Emmanuel Gutierrez kasama din ang Water System Consultant ng tanggapan ni Congressman Reynan na si Bong Jolas Lastimosa sa Barangay San Vicente, General Nakar.
Ito ay upang siyasatin kung saan manggagaling ang water source na padadaluyin hanggang Poblacion upang magkaroon ng katuparan na maging 24/7 ang daloy ng tubig sa kabayanan.
Sa madaling panahon ay gagawin na ng DPWH III ang Program of Works at sisimulan na rin ang procurement process nito upang maipatupad na ang nasabing proyekto.