21 Paaralan mula sa Quezon at Aurora, nakilahok sa ‘Tagisan 37’ ng UP Kalilayan para sa Gender Inclusivity and Equality
Aabot sa 21 paaralan mula sa Quezon at Aurora ang nag-Tagisan sa isang kompetisyon para sa junior at senior high school na isinagawa sa Talipan National High School sa bayan ng Pagbilao, Quezon nitong Linggo, March 12.
Ito’y matapos na ilunsad ng University of Philippines o UP Kalilayan ‘Tagisan 37’ para i-highlight ang papel ng kabataan sa Gender Inclusivity and Equality.
Ayon sa partisipante ng Quiz Bee mula sa International School for Better Begginings na si Amanda Alay, sobrang nakakaengganyo ang aktibidad na ito ng UP Kalilayan dahil marami siyang natutunan tungkol sa pagsasama ng kasarian at pagkakapantay-pantay.
“First event ko po ngayon ulit and super engaging siya and I love the topic the theme po ngayon. I belived so po kasi since ang theme po natin ay spectrum and LGBTQ, I belived it’s time to open our minds on accepting them the pride of LGBTQ.”
Quiz Bee rin ang sinalihang kompetisyon nina Christal Mae ng Talipan National High School, Jimuel Magbuo ng Lutucan Integrated National High School, Josh Michael ng Quezon National High School at si Bianca Marie Veluz ng Casa Del Niño Jesus De Lucban, INC.
Habang si Aika Maeri Akioka ng Southern Luzon State University Laboratory School ay lumahok naman sa Short Film Making Contest para i-highlight na dapat ay palaging positibo ang pananaw kahit nasaan ka mang sektor.
“Ang sinalihan ko po kasi ay yung short film making yung and para sa akin po nakadagdag po siya ng kaalaman kasi mas malaman ko po yung field na aming sinasakop like yung amin parang nagkaroon pa po ako ng extra knowledge kung paano po maghandle ng mga situations na ganon kasi po yung topic po namin doon ay sa gender crisisand pinakita po namin sa film na yung target po namin doon na dapat maging positive tayo hindi porke kasama tayo sa LGBTQ+ Community is parang mada-down na tayo sa sarili, hindi ka kulang.”
Nakilahok sa Tagisan ng UP Kalilayan ay ang mga paaralan ng:
Aurora National Science High School
Casa Del Niño Jesus De Lucban, INC.
College of Sciences, Technology and Communications, INC. Atimonan
College of Sciences, Technology and Communications, INC. Sariaya
International School for Better Begginings
Lucban Academy
Lutucan Integrated National High School
Lusacan National High School
Luis Palad Integrated High School
Maryhill College, INC.
Manuel S. Enverga University Foundation – Candelaria, INC.
Pagbilao Academy, INC.
Quezon National High School
Quezon Science High School
Recto Memorial National High School
San Andres National High School
Sta. Catalina National High School
St. Joseph Academy of Sariaya, Quezon
Southern Luzon State University – Laboratory Schools
Tagkawayan National High School
Talipan National High School