3 Taong Administrasyon ng Alcala ikukumpara ni Atty. Alejandrino sa 18 Taong Administrasyon ng Talaga
Tila warning shot ang pinakawalang pahayag ni Konsehal Rey Oliver S. Alejandrino sa pribilehiyong pananalita nito noong nakaraang sesyon sa Sangguniang Panglunsod ng Lucena. A n g p r i b i l e h i y o n g pananalita ng Konsehal ay tungkol sa mga naging opisyales na namuno sa Lungsod at ang development na nangyayari sa siyudad. Ang una sa tatlong serye ng pribilehiyong pananalita ay inilarawan ni Alejandrino ang dati anyang mukha ng Lucena simula pa ng taong 1570. Hindi naman ito samantala naiwasang pasaringan ang administrasyong Talaga sa ilang bahagi ng pribilehiyong pananalita. Isa dito ang pagkakapanalo anya ng dating Alkalde, Ramon Y. Talaga Jr. sa napaka kontrobersyal na halalan noong 1995 kung saan tinalo nito ang dalawang nakatunggali sa pagka Alkalde na sina dating Vice Mayor Raymundo Adormeo at dating Konsehal Simon Aldovino G a y u n d i n ang halalan ng 2010 nang lumabang muli sa pagka-Mayor si Talaga kahit pa alam na daw nito na siya ay diskwalipikado dahil nakatapos na anya ng tatlong termino! Sa pagtatapos ng privilege speech ay inihayag naman ni Alejandrino na pagkukumparahin daw ang tatlong taong panunungkulan ni Mayor Roderick Dondon Alcala at 18 taong panunungkulan ni Former Mayor Ramon Talaga Jr. sa mga susunod pa niyang pribilehiyong pananalita upang maipakita ang mukha ng dating Lucena at ang Lungsod ngayon. Matatandaang noong Sate of the City Address ay binanggit na ni Alcala na noong nakaraang a d m i n i s t r a s y o n daw ay talamak ang korapsyon, may kakulangan sa maayos na proyekto, may kakulangan sa trabaho at ilan pang proyekto ng kasalukuyang administrasyon na aniya pa ay wala noon. Nick Pedro III