346K na halaga ng shabu nasabat sa Lucena City
Nasabat ng Quezon Provincial Drugs Intelligence Unit kasama ang ilang tauhan ng Lucena Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug suspect sa Lucena City at ilegal na drogang nagkakahalang ng higit 340,000 Pesos.
Kinilala ang suspek na si Jayson Lontok Canales alayas ‘’Bakla” 34-anyos residente ng Barangangay Cotta ng naturang Siyudad.
Batay sa Report ng Quezon Police Provincial Office pasado ala 1:00 ng hapon Oktubre 7, 2022 ng mahuli si alyas Bakla sa isang subdibisyon sa Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City matapos itong magpostibo sa ginawang test-buy ng mga awtoridad gamit ang isang 1,000 Peso bill bilang marked money at 11, 000 pesos na boodle money na nabawi naman sa suspek.
2 sachet ng hinihinalng shabu na aabot sa 17 gramo ang timbang ang nakuha dito, nakumpiska rin ang isang motorsiko na ginamit umano sa transkasyon ng illegal drugs.
Nakakulong na ang suspek at nahaharap sa kasong Violation of Section 5 and 11 of Art II of RA 9165 o Comprehinsive Dangerous Drugs Act of 2022.