News

400 barangay health workers at nutrition scholars nabigyan ng cash incentives mula sa LGU Tagkawayan

Bilang pagpapahalaga sa patuloy na pagsuporta at paghahatid ng pangunahing serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad, namahagi ng cash incentives ang Lokal na Pamahalaan ng Tagkawayan sa mga barangay health workers at mga barangay nutrition scholars.

Ayon sa local government ng Tagkawayan, malaki ang parteng ginagampanan ng mga ito na nagiging katuwang ng kanilang Municipal Health Office sa paghahatid ng serbisyong medikal sa mga ka-barangay.

Nasa 369 na Barangay Health Workers (BHWs) at 45 Barangay Nutrition Scholars (BNSs) mula sa iba’t ibang barangay sa bayan ang nakatanggap ng naturang cash assistance.

Pinangunahan ni Mayor Carlo Eleazar, Vice Mayor Danny Liwanag at Sangguniang Bayan ang pamamahaging ito ng cash incentives.

Samantala, ilang mambabatas na ang nagsusulong sa Kongreso para sa karagdagang benepisyo sa mga barangay health workers bilang pagkilala sa mga serbisyong ibinibigay sa mamamayan lalo na sa panahon ng pandemya.

Naniniwala ang mga senador na kung hindi dahil sa mga barangay health worker na maituturing na mga tunay na bayani ay maaari nang bumigay ang healthcare system ng bansa sa lebel pa lang ng barangay kung wala ang kanilang dedikasyon at pagsusumikap.

Pin It on Pinterest