48 Estudyante at mga negosyante nagtapos sa entrepreneurship program ng DTI sa Atimonan
Nasa 48 mga mag-aaral at Micro, Small and Medium Enterprises (MSME) ang mga nagtapos sa bayan ng Atimonan, Quezon sa isang pagsasanay na magpapataas sa kaalaman sa pagnenegosyo.
Sa pagtutulungan ng Department of Trade and Industry (DTI) Negosyo Center Atimonan at ng lokal na pamahalaan, isinagawa nitong Biyernes ang Awarding & Graduating Ceremony ng STEP-UP Entrepreneurship Development Program, kung saan 23 na estudyante ng Bachelor of Science in Agri-business Management and Entrepreneurship (BSME) ng PUP Lopez Campus at 25 MSME’s ang nagsipagtapos sa programang ito.
Binigyang pagkilala at ginawaran ng sertipiko ang mga STEP-UP Graduates at ang Top 5 Best Presenter.
Layunin ng nasabing programa na na matulungan ang mga Micro, Small and Medium Entrepreneurs (MSME’s) sa pamamagitan ng mga pagsasanay at paggabay buhat sa mga successful business owners at practitioners kabilang ang pagkakaroon ng online platforms, bagong packaging design at pagkakaroon ng pagbabagsakan ng kanilang produkto sa tulong ng Tangkilik Atimonanin Program.