News

5.5 Milyong halaga ng Biosecured & Climate Controlled Finisher Operation Facility, ipinagkaloob sa Guinayangan, Quezon

Matagumpay na isinagawa kahapon, June 6, 2023 sa Barangay Capuluan Tulon, Guinayangan, Quezon ang Turn-over Ceremony ng Biosecured & Climate Controlled Finisher Operation Facility (piggery farm) na aabot sa P5.5 milyon ang halaga na pinagkaloob sa samahan ng Capuluan Tulon Farmers Association.

Ang programang ito ay mula sa Department of Agriculture Region lV-CALABARZON (DA- 4A) na Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) na isinusulong upang tulungan ang mga magbababoy na makabawi sa epekto ng African Swine Fever (ASF).

Bilang tanda ng opisyal na pagtanggap ng samahan ay nagkaroon ng paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) na pinangunahan ni Mayor Maden Isaac, Vice Mayor Norman Dublois, Hepe ng Distrito Konsehal Glenn D. Butardo, Sangguniang Bayan Members, CATFA President Maximino Gutierrez, Acting Municipal Agriculturist William R. Lopez Jr., OMA Livestock Program Focal Staff Carlo M. Palima, APCO Quezon Dr. Eduardo Lalas, DA- Region IV-A Livestock Program Jden Carillo at Regional Agricultural Engineering Division Engr. Ron Perey.

Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang samahan ng mga magsasaka sapagkat napakalaking tulong nito sa kanila.

Lubos din na pasasalamat ang ipinaaabot ng Alkalde sa nasabing bayan sa napakarami at kapaki-pakinabang na proyekto ng Agrikultura para sa masisipag na mga magsasaka.

Pin It on Pinterest