6 lokalidad sa Quezon, nakipagpulong sa DHSUD para sa pabahay program
Nakipagpulong kahapon ang ilang alkalde ng Quezon Province kay Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar upang magpahayag ng intensyon sa ‘Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program’ ng national government.
Layunin ng programang ito na makapagtayo ng higit 6 million housing units sa loob ng 6 na taon sa buong bansa.
Kabilang sa mga bumisita sa DHSUD sina Mayor Matt Florido ng General Luna; Abigail Aquino ng Real; Eliseo Ruzol ng General Nakar; Alfred Mitra ng Panukulan; Lovely Reynoso ng Tayabas City; at Webster Letargo ng Gumaca.
Samantala, positibo naman ang naging tugon ni DHSUD Sec. Acuzar sa kahilingan ng mga local executives na mapabilang ang kanilang mga bayan sa programa at tiniyak ang buong suporta ng ahensiya sa kani-kanilang housing project sa ilalim ng ‘Pambansang Pabahay’.
Sa General Nakar, nakatakda nang bumisita ang mga kawani ng DHSUD sa susunod na linggo upang masimulan ang proyekto, ayon sa lokal na pamahalaan.
Sa tala naman ng DHSUD, simulan nang ilunsad ang programa nitong Setyembre, hindi bababa sa 15 LGUs na ang nagsagawa ng groundbreaking para sa pabahay habang nasa higit 70 iba pa ang lumagda ng Memoranda of Understanding sa kanilang ahensiya.