6th Urban Fire Olympics, nilahukan ng ilang Barangay, NGO at Senior High Schools
Kahapon, March 28, 2023 isinagawa ang 6th Urban Fire Olympics ng BFP Atimonan sa Brgy. Zone I Poblacion kaalinsabay sa pagdirawang ng Fire Prevention Month na may temang, “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa.”
Ito ay nilahukan ng ilang grupo sa Barangay, Non-Government Organization at Senior High Schools.
Ang kompetisyon ay binubuo ng tatlong kategorya na kung saan ay isinagawa ng mga kalahok ang Busted Hose Relay, Bucket Brigade at Fire Extinguisher na nagpakita ng kakayahan at abilidad sa pagtugon ng bawat kalahok sa nasabing kategorya.
Kasabay nito ay nagkaroon ng awarding sa mga nanalo at ang itinanghal na Overall Champion sa Barangay/NGO’s ay ang Atimonan Community Disaster Volunteers, nakamit naman ng Brgy. Balubad ang unang pwesto (1st Runner up), at ang Brgy. Caridad Ibaba naman ang nakakuha ng pangalawang pwesto (2nd Runner up).
Gayundin sa Senior High Schools kung saan ang naging kampeon (Champion) ay ang Leon Guinto Memorial College Inc., nakamit naman ng College of Sciences, Technology & Communications, Inc. ang unang pwesto (1st Runner up), at ang Atimonan National Comprehensive High School naman ang nakakuha ng pangalawang pwesto (2nd Runner up).
Samantala, pagpupugay at pagkilala naman ang ipinaabot nina Mayor Ticoy Mendoza kasama ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Nida Veranga sa mga mahuhusay na Atimonanin na lumahok sa nasabing aktibidad.