News

7 miyembro ng termite gang, arestado sa Lucena City matapos manloob sa isang telco

Pitong miyembro ng termite gang ang nahuli sa aktong nilolooban ang isang sangay ng telecommunication company sa Lucena City.

Ayon sa pulisya, bandang ala-1 ng madaling araw nitong Miyerkules nang maaktuhan ng rumorondang security guard ang panloloob sa bahagi Gomez St., Brgy. 4, Lucena City na kaagad na ipinagbigay alam sa kanilang himpilan, mabilis na rumesponde ang Lucena Pulis at nagresulta sa pagkakadakip ng mga kawatan.

Lumalabas sa imbestigasyon na dumaan ang mga suspek sa manhole at pinutol ang mga cable wire ng kompanya na tinatayang 10 metro ang haba at nagkakahalaga ng P15,000.

Nabawi ang mga kable sa loob ng isang wing van na ginamit din ng mga kawatan upang mahila ang mga cable wire.

Napag-alaman sa imbestigasyon na nasangkot na rin sa pagnanakaw ang mga suspek ng humigit-kumulang 600 metro ng mga kable at tinatayang nagkakahalaga ng P300,000 na naganap nitong Nobyembre 29, 2022 sa Brgy. 3, Lucena City.

Ayon pa sa kapulisan, ang mga naarestong suspek ay mga miyembro ng Termite Gang na nag-ooperate sa iba’t ibang lugar ng CALABARZON at NCR.

Nasa kostudiya na ng Lucena City Police Station ang mga suspek at nahaharap sa kasong Robbery.

Pin It on Pinterest