80 – 85% na pondo ng SK Ibabang Dupay ngayong taon, Mapupunta sa Educational Program
Mahigit P2.9M daw ngayong taon ang annual budget ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Ibabang Dupay sa Lungsod ng Lucena.
Ayon kay SK Chairman Rolden Garcia, at kasalukuyang Ex-Officio Councilor Member ng Sangguniang Panlungsod ng Lucena, ang malaking porsiyento raw ng kabuuang pondo nila ay mapupunta sa educational program.
“Sa Barangay Ibabang Dupay po for transparency and accountability we have P2.9M budget for 1 year masarap pakinggan dahil million at masarap pakinggan pero ito ay actual naming pini-prisinta sa mga kabataan ang pinakamalaking porsiyento po nito ay yung P1.7M na po agad doon sa P2.9M ay nasa programa pong pang-edukasyon.”
Nakapaloob sa educational program ng SK Ibabang Dupay ay pagbibigay ng educational assistance sa mga benepisyaryo ng programa.
Tumatanggap daw ng P6,000 ang bawat benepisyaryo sa loob ng isang taon.
Layunin ng SK Ibabang Dupay na maghatid ng tulong pinansyal sa mga kabataang nangangailangan ng tulong upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.
Sinabi pa ni Garcia na patuloy siyang nakaalalay ay nakasuporta sa mga kabataan upang maabot ang kanilang pangarap.