94% na mag-aaral sa Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena ang fully vaccinated na!
Fully Vaccinated na ang 94% sa humigi’t kumulang na 3,100 na mag-aaral sa DLL o Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena.
Ito ang naging pahayag ng DLL Faculty President, Ryan Alemania sa programang Usapang Tapat ng bandilyo.ph.
“Out of this 3,100 na estudyante po tayo po ay meron ng around 94% na fully vaccinated.”
Aniya, ayon sa kanilang isinagawang survey hindi pahundred percent ang nag re-respond ngunit 3,003 na ang kanilang respondent sa nasabing survey ukol sa vaccination.
Dagdag pa ni Alemania na hindi nila pinipilit ang mga estudyante na magpabakuna ayon na rin sa kautusan na inilabas ng IATF, gayun pa man hinihikayat nila ang mga mag-aaral para na din sa sariling proteksyon ng mga ito.
“Ene-encourage po natin ang lahat po ng ating estudyante na mag pavaccine pero ayon po sa kautusan ng IATF na hindi po tayo pwede na mamilit sa estudyante na magpavaccine.”
Ayon pa sa DLL Faculty President na kung sakali man na magsimula na ang face-to-face classes at may mga estudyanteng hindi pa din fully vaccinated, gagawan daw nila ito ng paraan upang ang mga estudyanteng ito ay hindi mahuli sa pag-aaral.