Accomplishments ng bagong hepe ng Lucena PNP, ibinida
Ibinida ng bagong hepe ng Lucena City Police Station na si PLTCOL Erickson Roranes sa regular na flag raising ceremony ng Pamahalaang Panlungsod ng Lucena ang kaniyang mga naging accomplishment sa loob ng isang buwang pagkakaupo pa lamang bilang hepe ng pulisya simula nang siya ay umupo noong November 28, 2022.
Ito’y matapos na maaresto ng pulisya ang pitong miyembro ng Termite Gang sa aktong nilolooban ang isang sangay ng telecommunication company sa Lucena City.
Sinabi ni Roranes na ang mga naarestong suspek ay mga miyembro ng Termite Gang na nag-ooperate sa iba’t ibang lugar ng CALABARZON at NCR.
“The neutralization of 7 members of Termite Gang on December 14, 2022, Brgy. 4, Lucena City. Arrested suspects member of the Termite Gang operations in the different areas of CALABARZON and NCR,” sabi ni Roranes.
Kabilang rin sa naging accomplishment ng bagong hepe ng pulisya ay ang pagkakadakip sa tatlong drug suspek kabilang ang mag live-in partner sa Brgy. Ibabang Dupay ng naturang lungsod sa isinagawang drug buy-bust operation ng Lucena City Police nitong January 4, 2023.
Nakumpiska kasi sa mga ito ang 36 pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 153 na gramo at may street value na P3,125,280.
“Recently on January 4, 2023 at AKAP Village Purok Little Baguio 2, Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City 3 drug suspects were arrested that includes in high value individuals that 153 grams of shabu worth P3,125,280,” ani Roranes.
Makakaasa raw ang publiko sa kanyang pamumuno bilang hepe ng pulisya sa patuloy na pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa buong lungsod.