News

Actual Price sa Pagbili ng Lupa ng Lucena City Govt hindi na Pinapatungan

Hindi dinadagdagan ang presyo ng lupa ng City Government, upang hindi na maging pasanin ng mga Lucenahin. Ito ang pahayag ni Lucena City Mayor, Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala sa programang Usapang Tapat ni Manong Nick tungkol sa ginagawa ng lokal na pamahalaan na pakikipag-usap sa mga may-ari ng lupain na kinatitirikan ng mga tahanan ng ilang Lucenahin sa iba’t ibang barangay sa lungsod.

“Sinasabi natin na kung ano yung actual price na pu-puwedeng ibibigay natin para sa mga tao,” ayon kay Alcala

Dagdag pa ni Mayor Dondon Alcala na hindi naman daw sya nakikipag pulong upang magkaroon ng kumisyon, kung ano daw ang tunay na presyo ay ito mismo ang makukuha ng may-ari ng lupa.

“Wala naman po ano, hindi naman po ako nakikipag pulong sa inyo at natawad ako, sabihin ka sa inyo magpapatong ng 100 piso si Mayor o magkakakumisyon ako, wala, kung ano yung actual price inyo ‘yan”

Payag naman daw ang may-ari ng lupa sa nasabing usapan ayon pa sa alkalde. Pakiusap naman ni Mayor Dondon Alcala sa kanyang nasasakupan na magbayad ng tama dahil sinisikap daw niya na magkaroon ang Lucenahin ng sariling lupa sa maayos na pamamaraan.

Pin It on Pinterest