Agri inputs para sa mga magsasaka sa ilang bayan sa Lalawigan ng Quezon ipinamahagi ng pamahalaang panlalawigan
Matagumpay ang pagbabahagi ng Agricultural Inputs sa iba’t-ibang samahang pang-agrikultura sa mga bayan ng Real, General Nakar at Infanta sa Lalawigan ng Quezon sa Provincial Agri Office, Alona Partylist at Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon. Layunin nitong mapalakas ang agrikultural na kapasidad ng mga bayan. Ibinahagi sa Citrus Growers Association, Vegetable Growers Association, Cacao Growers Association at mga samahan ng mangingisda ng Real, General Nakar at Infanta ang organic at foliar fertilizer, seedlings, gulay, lagkitan, Coron at ilang kagamitang magagamit nila sa pagbubukid at pangingisda.
Kabilang sa mga nakiisa ay ang mga Sangguniang Bayan, Municipal Agriculturist at ilang miyembro ng Alona Partylist na nakiisa sa pagsasagawa ng distribusyon ng mga agricultural inputs. Kasabay naman ng distribusyon ay ang ika-54 na taong pagkakatatag ng bayan ng Real. Si Congw. Anna Suarez ang nagsilbing panauhing pnadangal sa selebrasyon at nagbahagi naman ng oras sa paglibot at pamimili sa mga booth.