News

Agri. Learning Site sa Lucena City, kinilala ng DA- Agricultural Training Institute

Nakipagtulungan ang Agricultural Training Institute (ATI) ng Department of Agriculture (DA) sa isang organic farm sa Lungsod ng Lucena para maturuan ang mga mag-aaral sa iba’t ibang paraan ng pagtatanim ng ecological crop.

Kamakailan ay kinilala ng DA-ATI ang Myrtle’s Agricultural Farm na matatagpuan sa Barangay Ilayang Dupay bilang certified Learning Site for Agriculture ng DA-ATI CALABARZON sa Lucena City.

Kasabay ng isinagawang signing ng Memorandum of Agreement ang opisyal na pagbubukas ng farm sa publiko.

Pagmamay-ari ng mag-asawang Michael at Sharon Triviño ang Myrtle’s Agricultural Farm na isa na ngayong accredited demonstration farm para sa mga estudyante.

May lawak na 6,000 square meters ang Myrtle’s Farm at ngayon ay nagtatanim ng mga organikong prutas at gulay, ayon sa mag-asawang Triviño.

Samantala, sinabi ni Dr. Rolando Maningas, Director ng Agricultural Training Institute Region 4A na nais niyang ipalaganap ang adbokasiya sa mga kabataan tungkol sa urban at organic farming.

Pin It on Pinterest