Alternatibong pagkain ng native na manok, isinagawa sa bayan ng Guinayangan
Sa isinagawang buwanang pagpupulong ang Guinayangan Native Chicken Raisers Association sa Brgy. Capuluan Tulon Guinayangan, Quezon.
Isa sa mga agenda ng samahan ay makapag develop ng sustenableng pakain ng mga native na manok mula sa alternatibong mga sangkap.
Kung saan palagiang mayroon o matatagpuan sa kanilang mga taniman tulad ng trichanthera, napierat iba pa.
Layunin nito na mapapaba ang gastos at maitaas naman ang produksyon ng dekalidad na manok na pinaparami ng samahan tulad ng banaba at paraokan.
Kaugnay nito nagkaroon din ng kaunting talakayan sa tamang paggamit ng pamurga at bitamina.
Sa ganitong gawain malaki ang maitutulong sa mga nag aalaga ng manok para sa kanilang karagdagang kaalaman na kanila mismong magagamit sa pag aalaga ng native chicken.