News

Ano nga ba ang Hydroponic Farming?

“Ito po ‘yong ang ginagamit ay soilless, kumbaga nag lalagay ka lang ng tanim sa isang potting mix, hindi kana gumagamit ng lupa. Ang ginagamit din dito ay water lang na may nutrients. Ang kaibihan nito sa lupa, medyo hindi s’ya alagain kung dito kayo sa hydroponics magtatanim.”

Ito ang pahayag ni Mrs. Jaquilyn Pagliwagan tungkol sa kung ano ang Hydrophonics farming.

Sa kanilang hydro farm, sa Nanawalang Bukid kung kanilang tawagin ay may dalawang pamamaraan sila na ginagamit sa pagtatanim ng lettuce, ang tinatawag na NFT na ginagamitan ng PVC pipes na may butas sa ibabaw kung saan nakatanim ang kanilang mga hybrid na lettuce at isa ang namang pamaaran ay tinatawag na floating raft.

Kwento ni Jaquilyn, “ang floating raft, stagnant ang tubig, ‘yong NFT naman na using PVC continues ang tubig.”

Simula sa punla ng pagtatanim, matapos ang 45 days ay maari na daw itong i-harvest.

Sa paghahanap ng alternatibong kabuhayan sa gitna ng pandemyang nararanasan, ang hydroponic farming sa Nawawalang Bukid ng mag-asawang Jaquilyn at Ronniel ay masasabing tagumpay na binigkis ng kanilang pagsisikap at determinasyon.

Sa mga nais mag Hydroponic farming hindi naman daw kailangan ng malawak na ispasyo.

“Sabi ko nga noong una nagsimula lang kami sa anim na styro, hindi naman sa laki ng inyong bakuran para lang makapagtanim kayo ng ganito basta na-aarawan lang siya ng 8 hours a day ok na po.”

Pin It on Pinterest