News

Anti-carnapping campaign pinaigting ng PNP-HPG sa Quezon Province

Pinaigting ng PNP Highway Patrol Group sa lalawigan ng Quezon ang kampanya kontra carnapping.

Ayon kay PCPT German Jones Litdog, ang Provincial Officer ng PNP Highway Patrol Group, patuloy silang nagsasagawa ng anti-criminality, carnapping operation at iba pa.

“So ang ginagawa mo natin sa atin d’yan sa kalsada is regular po ang ating anti-carnapping operation, implementation po ng atin pong Land Transportation Code ano po ‘yung atin pong RA 4136 and then PD 96 ‘yung kontra wang-wang and blinkers po,” saad ni Litdog.

Katuwang ng HPG ang local traffic enforcer sa pagpapahinto at pag-check sa mga dumaraang sasakyan.

Upang maiwasan ang mga insidente ng carnaping ay dati nang nagpalabas ng tips ang HPG ukol dito:

Mahalagang ugaliin na naka-lock ang pinto habang nagbibiyahe o kaya ay naka-parking.

Magparking lamang sa ligtas na lugar at iwasang mag-iwan ng mahahalagang gamit sa sasakyan.

Dapat rin umanong iwasan ang maghintay sa loob ng sasakyan o kung hindi maiiwasan ay i-lock ang pinto.

Iwasan din ang paghinto sa isolated na lugar, mag install ng alarm and devices sa sasakyan at mahalaga ring alam ang PNP hotline na maaaring tawagan kung kakailanganin.

Paalala rin ang HPG sa mga bibili ng second hand na sasakyan na ipa-check ito sa kanila upang matiyak na hindi nakaw o carnap ang bibiling sasakyan.

Pin It on Pinterest