News

Araw ng mga Puso, Pinagkakitaan!

Kung ang marami ay gumastos upang mapaligaya ang kanilang mga love one’s noong Valentine’s Day gaya ni EJ Boy na bumili ng bulaklak sa halagang isang libong piso para ibigay sa kanyang Girlfriend.

‘’Pinag-ipunan para mabili para kay jowa’’, ang sabi ni EJ Boy.

Ang iba ay sinamantala ang pagkakataong ito para kumita ng extrang pera isa na dito ang buko juice vendor na si Gresilie, dahil sa mataas na demand ng mga bulaklak noong araw na iyon namuhunan siya dito para sa dagdag income.

‘’Ito po ay angkat ko para magdagdagan lang po ang aking kita’’, ang sabi ni Gresilie.

Sabi nila sa panahon na halos hindi na makasabay ang kinikita ng ordinaryong mamamayan sa pang-araw araw na pangangailangan dapat daw maging madiskarte, mapagsamantala sa pamamagitan ng mga pagkakataon ng kahandaan ng iba para gumasta.

Sabi ng ilang maliliit na mamumuhunan bagkus na sumabay sa gastusan silipin ang pagkakataong ito para pagkakitaan.

‘’Sinasamantala namin para may pangtustos sa pangangailangan, lagi po akong nagtitinda kapag ganitong Valintine’s’’, ang sabi ng isang mamumuhunan.

Samatanla, kahit na tumaas ng nasa kalahati ang presyo ng bulaklak noong Valentine’s Day, naging malakas pa rin ang bentahn nito. Sa flower section ng Lucena City Public Market halos hindi na magkandaugaga ang mga nagtitinda ng bulaklak sa paggawa ng flower bouquet sa dami ng order at bumibili.

Sa mga bangketa marami rin ang mga nagtitinda ng mga bulaklak at ibang pang mga Valintine’s Gift.

Sabi ng ilang mamumuhunan ang mga okasyon na ganito na gastos para sa iba, pagkakaton naman na kumita sila.

Pin It on Pinterest