News

Artificial Coral Reefs inilagay sa karagatang sakop ng Mulanay, Quezon

Isinagawa nitong Martes ang installation ng artificial coral reefs sa Barangay San Isidro at Sagongon sa bayan ng Mulanay, Quezon.

Pinangunahan ni Mayor Aris Aguirre ang Artificial Reef Project ka-isa si Gov. Dra. Helen Tan at ang Provincial Agriculture Office.

Ayon sa Mulanay LGU, nasa 20 artificial coral reefs ang na- install sa naturang bahagi ng karagatan na sakop ng Marine Protected Area.

Makakatulong umano ito dahil madaragdagan ang lugar kung saan maaaring mangitlog at magparami ang mga isda at mapaganda ang marine ecosystem sa nasasakupang dagat ng nasabing bayan.

Dito ay mahigpit na ipagbabawal ang panghuhuli ng isda upang bigyan itong pagkakataon na magparami.

Hiniling naman ni Aguirre ang suporta at pakiisa ng lahat para maprotektahan ang katubigan sa naturang bayan at upang maibalik ang dating sigla at produksyon ng isda.

Pin It on Pinterest