ASEAN Integration ipinaliwanag sa mga kabataan ng Atimonan, Quezon. Mga kabataan nagkaroon ng pagkakataong magtanong tungkol sa usapin.
Nagkaroon ng isang youth forum para sa ASEAN o Association of South East Asian Nations sa bayan ng Atimonan sa Lalawigan ng Quezon kamakailan lamang. Layunin ng aktibidad na inorganisa ng Philippine Information Agency Region 4A at Quezon Office upang i-promote at itaas ang lebel ng kamalayan ng mga kabataan sa mga benepisyo ng ASEAN integration. Naging tagapagsalita sa ASEAN Youth forum ang iba’t ibang opisyal ng iba’t iba ring ahensya ng pamahalaan. Ilan dito ay sina PIA Region 4A Asst. Regional Director Carlo Gonzaga, Caroline Zabella ng DFA Lucena Office, Eric Oliveros ng Department of Trade and Industry Quezon Office at Police Chief Insp. Margarito Umali ng PNP-Quezon.
Matapos ang pagtalakay ng mga opisyales tungkol sa ASEAN Integration ay nagkaroon naman ng pagkakataon ang mga kabataang estudyante ng bayan ng Atimonan na makapagtanong sa mga ito tungkol sa usapin.
Samantala ngayong araw ay nagsagawa rin ng kaparehong aktibidad sa Barangay Tagbakin Covered Court sa bayan pa rin ng Atimonan sa Lalawigan ng Quezon.