Atimonan MDRRMO kinilala ng Provincial DRRMO
Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ang mga bayan sa lalawigan dahil kanilang ginagawang hakbang sa kahandaan sa oras ng kalamidad. Kinilala ng PDRRMO na pinamumunuan ni Dr. Henry Buzar ang Atimonan Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa kanilang ginagawang hakbang upang maihanda ang mamamayan ng bayan ng Atimonan sa ebetwalidad ng anumang sakuna. Ipinagkaloob sa Atimonan MDRRMO ang Exemplary Performance Award at Plaque of Recognition na nagpapatunay sa kahandaan ng MDRRMO ng bayan.
Nagpasalamat naman ang Atimonan MDRRMO sa natamong award gayundin sa mga sumusuporta sa opisina upang maging matagumpay ang kanilang mga activity para sa kahandaan ng bayan sa anumang kalamidad. Ayon sa MDRRMO ay buong suporta sa kanila ang kanilang Chief Executive, Mayor Rustico Mendoza at buong Sangguniang Bayan ng Atimonan.
Ini-award ang pagkilala sa MDRRMO ng Bayan ng Atimonan ng magsagawa ng aktibidad ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon kaugnay ng National Disaster Resilence Month na isinasagawa tuwing buwan ng Hulyo.