News

Awardees ng Quezon Medalya ng Karangalan ipinakilala na

Nakatakdang parangalan sa isasagawang Gawad Parangal ng Quezon Medalya ng Karangalan (QMK) ang mga natatanging Quezonian ngayong ika-19 ng Agosto, 2017 kaugnay ng pagdiriwang ng ika-139 taong kaarawan ni Dating Pangulong Manuel Luis Quezon. Ang mga napili ay kinilala na matapos aprubahan ng Sangguniang Panlalawigan noong ika-24 ng Hulyo ang Kapasiyahan Bilang 2017-424, na nagkukumpirma sa limang bibigyan ng prestihiyosong Medalya ng Karangalan at isang tanging gawad na siyang napili ng Quezon Medalya ng Karangalan Lupon ng Gawad Parangal.

Kabilang dito sina Rev. Fr. Joseph Faller para sa Serbisyong Pampubliko, G. Francisco P. Rubio para sa Agrikultura at Pagnenegosyo, Si G. Ronel F. Roces para sa Sining at Kultura, Gng. Maria Nova Villianueva Veluz para sa Pagnenegosyo, at Gng. Flocerpina Eroa Oliveros para sa Edukasyon. Tatanggap naman ng tanging gawad si Gng. Noelle Conchita Corazon Zoleta-Mañalac para larangan ng Pampalakasan.

Sa pahayag ni Quezon Gov. David Suarez, tunay na karapat-dapat ipagbunyi ng lalawigan ng Quezon ang mga nagkamit ng naturang pagkilala. Sapagkat, hindi lamang sila nagpamalas ng natatanging kahusayan sa kanilang piniling propesyon at sektor na kinakatawan. Walang sawa rin sila sa pagbibigay karangalan sa lalawigan at pagpapabuti sa lipunang ginagalawan.

Nakatakdang maging panauhing pandangal sa isasagawang pagpaparangal si Department of the Interior and Local Government OIC Secretary Katalino S. Cuy.

Pin It on Pinterest