News

Bagong Building sa QMC, Gagamitin Bilang Out-Patient Department

Gagamitin bilang Out-patient Department ng Quezon Medical Center ang gusaling ipinatayo bilang Modular Intensive Care Unit ngayon, halos wala ng COVID-19 patient sa nasabing pagamutan habang patuloy ang renobasyon o konstraksyon sa gusali ng QMC.

Ipinatayo ang Modular Intensive unit sa ilalim ng opisina ng 2nd District Congressman upang punan ang kakulangan ng mga pasilidad para sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Umaga ng Feb. 24, 2023 pinasinayaan na ito at personal na binisita ni Cong. David Suarez.

‘’So part po ng Advocacy ng National Government para maitayo ang mga isolated Covid ward but with good news na ibinahagi sa atin kanina less than 1% nalang ang positivity sa ating lalawigan at natutuwa naman ako although hindi sya magagamit bilang isolation ward it will use as out-patient department para sa mga pasente ng Quezon Medical Center.’’

Ang building na ito ay may 24 bed capacity, ang pondo na ginamit sa pagpapatayo nito ay galing sa nasyunal na pamahalaan sa pamamagitan ng effort ng kongresista ng ikalawang distrito ng Quezon, iilan lamang daw sa bansa ang nalaanan ng budget para sa ganitong pasilidad.

“Atlest magagamit pa rin sya, nakita naman natin maganda maayos at kompleto na rin sa mga gamit, ang ibang mga gamit in fact inilipat sa Quezon medical Center.”

Ayon sa pamunuan ng QMC, kahit wala ng pasyente ng COVID sa ospital malaking bagay ang gusaling ito para naman sa mga out-patient.

Sa pag-uulat ng mga opisyal ng QMC sa ginawang blessing and turn-over ng naturang building, 0 COVID na ang Lalawigan ng Quezon, 1% nalang ang positivity rate sa lalawigan.

Pin It on Pinterest