News

Bagong hepe ng Quezon PNP Maritime, nakapagtala na ng 6 na accomplishment

Mahigit isang linggo pa lamang simula nang umupo sa puwesto ang bagong hepe ng Quezon Maritime Police Station ay nakapagtala na agad sila ng anim na accomplishment bilang bahagi ng kanilang pinaigting na kampanya laban sa mga illegal fishing, environmental laws at iba pa.

Ito ang inihayag ni PCPT. Benito Siddayao Jr., ang hepe ng Quezon PNP Maritime sa panayam ng Bandilyo.ph at 89.3 FM Max Radio.

Ang naturang bilang ng accomplishment ay binubuo ng illegal logging, illegal fishing, illegal gambling at illegal wildlife trader.

“So far ang PNP Maritime Quezon ay nakapagtala ng anim na lead operations kasi sa ngayon pinapaigting natin yung mga environmental laws sa probinsya ng Quezon, so far sa Calauag meron kaming accomplishment ng illegal logging yung mga pag-uuling, at tsaka yung mga 10654 yung mga illegal fishing activities dito sa ating karagatan dito sa Lamon Bay”.

Kabilang sa accomplishment ng Quezon PNP Maritime ay ang pagkakadakip nila sa isang wanted person sa bayan ng Mauban, Quezon dahil sa paglabag ng Presidential Decree 1602.

Ang akusado ay kinilalang si Marlon Frias, 24-anyos at residente ng Sitio Bulwagin Brgy. Cagsiay 1 ng bayan ng Mauban, Quezon.

Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Nickie Tamparong Viaje, Presiding Judge ng MTCT Mauban na may petsang May, 4, 2021 na may piyansang inirekomendang P30,000.00.

“At meron din tayong Wanted Person tayo ang lead unit yung may kaso na yung PD 1602 dyan sa Mauban kung saan pinamunuan ni PLT Arnel Abrigo at tsaka si PMSG Manny Arce. Sa bisa po ng warrant of arrest ay nahuli natin yung wanted person na yon”.
Dagdag pa ni PCPT Siddayao na ang kanyang unit ay patuloy na magsisikap nang walang pagod upang hulihin ang mga gumagawa ng iligal na aktibidad at halughugin ang mga wanted person sa kanyang area of responsibility, kahit pa sa panahon ng COVID-19 Pandemic.

Alinsunod na rin sa atas ng bagong Regional Chief ng Maritime PNP sa CALABARZON.

“Yung ang kabilin-bilinan ng aming butihing Regional Chief na si PCOL Ariel Quilang na paigtingin ng lubos yung kampanya dito sa environmental laws, illegal fishing, wildlife at tsaka illegal logging”.

Pin It on Pinterest