News

Bagong Utility Truck ng San Andres LGU, sisimulan nang gamitin

Binasbasan na kahapon ang Bagong Utility Truck ng Lokal na Pamahalaan sa bayan ng San Andres, Quezon.

Pinangunahan ito ni Parish Priest na si Rev. Fr. Zandro Deleon at ng mga opisyal ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor Ralph Edward Lim at Vice Mayor Nelson Ausa.

Ang naturang utility truck ay gagamitin ng mga kawani ng Solid Waste Management Office sa pangongolekta ng basura.

Ang karagdagang utility vehicle ay magagamit sa paghahakot ng basura sa buong bayan ng San Andres na siyang makatutulong upang higit na maiayos ang koleksyon ng kanilang mga basura.

Bukod sa panghakot ng basura ay magagamit din sa pangangailangan ng iba’t ibang barangay sa munisipalidad.

Samantala, inaasahan namang mapapakinabangan na ang bago at mas pinalaking utility truck ng San Andres LGU sa lalong madaling panahon.

Pin It on Pinterest