Bahay Pag-asa sa Lalawigan ng Quezon may Pag-asa!
Nagbabalak na ngayon ang Pamahalaang panglalawigan ng Quezon nag magtayo ng sarili nitong Bahay Pag-asa. Ang pasilidad ay gagamitin para sa mga kabataang nasasangkot sa krimen at iba pang paglabag sa batas. Sa regular na sesyong ng Sangguniang Panlalawigan ay sinabi ni 4th District Board Member Raquel Mendoza, ang lalawigan na lamang ang walang sariling Bahay Pag-asa sa CALABARZON Region.
Ang panukalang pagkakaroon sa pasilidad para sa mga kabataang naliligaw ng landas ay kasama na ngayon sa supplemental Annual Investment Plan ng lalawigan ng Quezon.
Kapag natuloy ang panukala, magsisilbing reformation center ang Bahay Pagasa para sa mga kabataan upang makapamuhay ng maayos sa lipunan. Inaasahang ang panukala ay magkakaroon ng mga programang kahalintulad ng iba’t ibang Bahay Pagasa sa bansa. Magbibigay ng tamang guidance o pag-alalay sa mga kabataan, maayos na legal assistance, spiritual formation, livelihood skills at iba’t iba pang aktibidad na maglalayo sa tinatawag na children in conflict with the law sa mga maling gawain at krimen.