News

Bahay sa Lucban, Quezon Dinadayo Dahil sa Magandang Dekorasyon

Dinadayo ang isang bahay sa bayan ng Lucban, Quezon dahil sa dekorasyong ilaw nito.

Bukod sa mga residente ng Lucban, nagmula pa sa ibang karatig-bayan ang pumupunta sa bahay ng Pamilya Esperanza para pagmasdan ang mga ilaw at magpa-picture.

Nang tanungin ng bandilyo.ph ang may-ari ng tahanan na si Mr. John Esperanza kung bakit naisip na magdekorasyon nang maaga:

“Napag-isipan ng aking may-bahay na bakit hindi natin agapan ang pagpi-prepare ng Christmas Decoration nang sa gayon magkaroon tayo ng ibang pakiramdam na may pasko pa pala,” ayon kay John Esperanza.

Konsepto daw ng may-bahay ni John ang pagdedekorasyon at pinagtulong-tulungan ng buong pamilya.

“Ang konsepto namin ay isang pamilya kami na gumagawa dito sa bahay, katulong ko ang aking mga anak at ang aking may-bahay na syang nagkonsepto ng lahat ng ito,” ayon kay John Esperanza.

Matatagpuan ang mailaw na tahanan ng Pamilya Esperanza sa Calmar Subd., Barangay Kulapi, Lucban, Quezon.

Samantala, nilinaw naman ni John na taliwas sa naunang lumabas na impormasyon na bubuksan nila ang kanilang tahanan sa publiko sa December 24 ay magkakaroon lamang sila ng Christmas Pantry at mamimigay ng ayuda sa mga nais magpunta.

“I-o-open ba for public ang ating bahay, hindi po ganon katulad lang din po ng community pantry na gagawin po namin sa December 24 po mga 5 o’clock ng hapon mamimigay po kami ng konting ayuda po,” ayon kay John Esperanza.

Si John Esperanza ay negosyante mula sa Luisiana, Laguna na nanirahan sa Lucban at nagmamay-ari ng Lucban Shoes Center at Ten Ninteen RTW sa Lungsod ng Lucena.

Pin It on Pinterest