Bangkay ng batang natagpuan sa bakanteng lote sa Lucena City, pinatay muna bago ginahasa; suspek arestado
Nasa kustodiya na ng Lucena City Police Station ang suspek sa pagpaslang sa menor de edad na natagpuan sa bakanteng lote sa bahagi ng Brgy. Gulang-gulang, Lucena City.
Kaagad na naaresto ang suspek sa karumaldumal na krimen sa ginawang follow up operation ng Lucena Police.
Sa tulong ng CCTV ay agad nilang nakilala ang suspek sa nasabing insidente, kinilala ang Lucena Police ang suspek na si Julius Baloaloa Rodas, 19 taong gulang at residente ng Barangay 4, Lucena City.
Sa Exclusive interview sa programang Tamabayan ng Bandilyo.Ph sinabi ni PLTCOL. Ruben Ballera Jr. ang Chief of Police ng Lucena PNP, ang suspek rin ang nagreport sa barangay na may bangkay ng batang babae sa bakanteng lote ng nasabing barangay.
Ang biktima ay walong taong gulang, rape victim, wala na itong saplot, nakagapos ang kamay at nakabusal ang bibig ng matagpuan.
Pag-amin ng suspek sa pulisya, pinatay muna niya ang walang kalaban laban na bata sa pamamagitan ng pagsakal dito saka ito ginahasa.
“Ayon sa kanyang confession is pinatay nya ho muna bago nya po ginawa yung kanyang ano sa bata.”
Sa imbistigayon na ginawa, nasa inpluwensya ng solvent ang suspek ng ginawa nito ang krimen.
Noong madaling ng May 31, kung saan initusan ang biktima ng kanyang ama na bumili ng kape, nang makita ito ng suspek binigyan ito ng isang daang piso at isinama, pagdating sa isang bakanteng lote dito na walang awang pinatay ang batang babae at hinalay.
“Kung makikita sa CCTV isinaman nya yung bata.”
Ang suspek ay kilala raw sa mga reklamong pagnanakaw sinabi ng Hepe ng Pulisya maraming beses na itong idinulog sa himpilan ng pulisya.
Pasado alas onse ng umaga ng May 31, ng itawag sa Barangay 11 na may isang bangkay ng batang babae ang natagpuan sa bakanteng lote ng nasabing lugar.
Ayon sa ama ng biktima sa pagitan ng ala una at alas dos ng madaling araw ng hindi na nila makita ang kanilang anak matapos itong utusan na bumili ng kape.
Mag-aalas dos ng hapon, bangkay na nilang nakita ang kanilang anak.
Dayo lamang sa Lucena City ang buong pamilya at natulog lamang sa bangketa sa harap ng Quezon Medical Center.
Dumayo sa syudad upang makipyesta, galing daw sila ng Pasayahan Village noong gabi bago mangyari ang krimen sa kanilang anak, may ilang araw na rin sila sa syudad buhat pa noong May 28, papauwi na raw sana sila ngayong araw sa kanilang bayan sa Barangay Kalilayan Ibaba Unisan Quezon.