News

Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, dapat nang matuloy sa Oktubre!

Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na wala ng dahilan para hindi matuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30.

Para sa ilang botante sa Lucena City, dapat nga raw noon pa ito isinagawa,

“Dapat po noon pa, noon pa tinuloy,” sabi ni Mamang Joey.

“Sana’y noon pa natuloy” saad ni Aling Mafe.

Sabi ng botanteng si Obet na isang tricycle driver, noon ba dapat sila nakapili ng mga kandidatong manunungkulan sa kanilang komunidad kaya lang ilang ulit na naipagpaliban ang halalan.

“Dapat ay ituloy na para mapalitan na sila, ‘yung mga walang nagawa, noon pa,” sabi ni Obet.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, 100 porsyento na silang nakahanda at siniguro na rin ng Kongreso na hindi na ito ipagpapaliban pa.

Dapat lang raw, sabi ng ilan, upang ma-practice ang karapatan ng mga botante na bumoto sa barangay na matagal na daw na hindi nagawa.

“Para ma-practice nga yoong pagboto, yoong Karapatan,” sabi ni Aling Mafe.

Dagdag ni Garcia, kumpleto na rin ang procurement sa election paraphernalia habang 50 porsyento ng 91 milyon na balota ang naimprenta na.

Inaasahan din na makumpleto ang printing at verification ng mga balota sa ikalawang linggo ng Pebrero.

Sa kasalukuyan, 1.028 milyon na ang nakapagparehistro sa nagpapatuloy na voter registration na nakatakdang magtapos sa Enero 31.

Pin It on Pinterest