Barangay Barra nanatiling COVID-19 Free
Nanatiling covid free ang Barangay Barra sa Lungsod ng Lucena.
Ayon kay Kapitana Amelia Sobreviñas, ang pagiging covid free ng barangay ay resulta ng pananatiling disiplinado ng mga residente gayundin ang sakripsyo ng mga opisyal na maobserbahan ang galaw ng mga tao.
“Ang Barangay Barra as of now ay wala kaming case dahil nga po siguro ito na yung nararamdaman natin na talagang si COVID ay unti unti nang nawawala sa ating komunidad kaya siguro ang mga tao ay kumbaga sa isip nila ay wala na si COVID,” pahayag ng kapitan ng barangay.
Pinasalamatan ni Sobreviñas ang mga inisyatiba ng City Health Office maging ng City Government para malabanan ang COVID-19 at naisigurong walang isang residente ang kinapitan ng nasabing karamdaman sa kanilang lugar.
Sa ngayon ay may kabuuang 6,394 kaso ng covid-19 ang naitala sa lungsod.
Mula sa nasabing bilang ay 6,162 ang mga gumaling at 5 ang aktibong kaso habang 227 ang mga namatay.
Patuloy naman ang panawagan ng punong barangay sa mga residente nito na gawin pa rin ang ibayong pag-iingat at sumunod sa health protocols laban sa COVID-19.
“Kailangan pa rin nating magface mask at social distancing kapag may mga gathering sinisikap pa rin po namin yung mga tao ay andon pa rin yung pag-iingat,” dagdag pa nito.