Barangay Talao-Talao, handa na sa pananalasa ng Bagyong Paeng
Nakahanda na ang Pamahalaang Pambarangay ng Barangay Talao-Talao sa Lungsod ng Lucena sa ilalim ng pumumuno ni Kapitan Reil Briones maging ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council o BDRRMC team sa pagresponde sa magiging epekto ng pananalasa ng bagyong Paeng.
Ayon kay Briones, inihanda na nila ang kanilang mga equipment at personnel ng barangay sakaling kailanganin ang pag-rescue sa mga residente, lalo na sa mga lugar na bahain o malapit sa coastal areas.upang matiyak na mapabilis ang kanilang pagresponde na gagamitin ng barangay.
“Pina-activate ngayon yung Barangay DRRM at pinagpe-prepare dahil nga meron ngang bagyo may sama ng panahon, so nakaantabay po kami ngayon sa magiging pagkilos ng bagyong Paeng kung ano ang mangyayari, minomonitor po natin at nakastandby po ang lahat”.
Kaugnay nito, pinaalalahan din ng punong barangay ang mamamayan na makinig sa payo ng mga kinauukulan at manatiling updated sa mga ulat ng panahon.
“Lagi nating paalala na sana ay sumunod sila sa barangay at ng DRRM”.
Nagkaroon na rin daw siya ng pagpupulong kaninang umaga para sa mga barangay tanod nito at ipinag-utos sa mga ito na paalalahanan ang mga residente partikular yung mga nasa tabing-dagat dahil sa bagyo.
Inanunsyo na rin ng lokal na pamahalaan ng Talao Talao ang mga lugar na magsisilbing evacuation centers ng mga residente na maaapektuhan ng Bagyong Paeng.
Kabilang sa mga itinakdang temporary shelters ay ang barangay hall at paaralan sa lugar.
“Ready naman ang barangay hall na temporary evacuation at lagi ring nakaready ang ating school para sa mga evacuees ano naman yon lagi nang ginagawa kapag may bagyo so nagiging practices na kaya nagiging madali para sa amin”.