News

Batangas Government namahagi ng nasa 1 milyong tilapia fry

Ipinamahagi ng mga kinatawan ng Office of the Provincial Agriculturist sa Lalawigan ng Batangas sa limang fisherfolk beneficiaries mula sa Brgy. San Gabriel at Brgy. Bugaan East ng bayan ng Laurel ang 1 milyong Tilapia fry o fingerlings na bahagi ng Tilapia Fingerlings Dispersal Project ng Pamahalaang Panlalawigan kamakailan. Ito ang unang batch sa proyekto, palalakihin sa fishponds ang mga fingerlings sa loob ng 2 buwan at kapag umabot na sa sukat na lima hanggang anium na pulgada ay ibebenta ang mga ito sa mga fish cage operators sa Lawa ng Taal. Binigyan ang bawat isang recipient ng 200 libong fingerlings at 10 sako ng fry mash fish food na 25 kilos bawat sako.

Aabot sa PhP 35,000 hanggang PhP 40,000 ang gross sale value o halaga kapag naibenta na ng bawat recipient ang mga napalaking mga fingerlings. Pagkatapos nito, ibabalik ng mga benipisyaryo ang halagang PhP 5,650 sa Provincial Agriculturist Officebase sa Memorandum of Agreement na nilagdaan ng mga recipients, Municipal Agriculturist at OPA.

Layunin ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas na matuto at mapalago ang kasanayan at kakayahang maghanap-buhay ng mga mangingisda at magsasaka sa lalawigan. Sa pamamagitan ng pagbabalik ng orihinal na halaga ng mga fingerlings, mas maraming mangingisdang Batangueño ang makikinabang at matutulungan ng pamahalaang panlalawigan dahil magiging tuloy tuloy ang fingerlings dispersal.

Pin It on Pinterest