News

Batangas PDRRMO nagpamalas ng kahandaan sa oras ng kalamidad

Binuksan ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang pagdiriwang ng National Disaster Resiliency Month ngayong buwan ng Hulyo sa pamamagitan ng sama-samang pagpapakita ng kahandaan sa pagtugon sa oras ng kalamidad sa lalawigan. Sa isang Static Public Display, ipinakita sa publiko ng Batangas PDRRMO at mga katuwang na City and Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices ang kanilang mga kapabilidad at kahandaan.

Ipinamalas ng mga ito ang iba’t-ibang rescue operation demonstration and simulation upang ipakita sa publiko ang kanilang kahandaan at kapabilidad. Ayon kay Castro, hindi lamang sa mga Rescue Operators nakatutok ang programa ng Batangas PDRRMO kundi kasama din ang pagtuturo ng paghahanda sa mga ordinaryong mamamayan na nasa kanilang mga komunidad. Dagdag nito, bilang isang resilient community, hindi umano dapat maging hadlang ang mga kakulangan sa kagamitan ng mga lokal na pamahalaan sa pagsasalba ng buhay at ari-arian dahil patuloy naming palalakasin ang kasanayan at kaalaman ng mga rescue personnel ng bawat bayan na kabalikat ng Batangas PDRRMO at mga katulong na ahensya.

Pin It on Pinterest