BATANGAS PROVINCE: Mga mister nagsuot ng high heels ni misis!
Inilunsad ng Batangas Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities o ERPAT ang programang “Walk a Mile in Her Shoes” sa Lalawigan bilang bahagi ng Father’s Day Celebration ilang araw pa lang ang nakakalipas. Ang simbolong paglalakad ng mga tatay na naka high heels ay isang pagpapakita o pagbibigay kahalagahan sa mga pang-araw-araw na pinagdaraanan ng mga kababaihan.
Dala ang mga placards na nagsasaad ng pagtutol at paglaban sa Violence Against Women and Children, masayang naglakad ang higit kumulang na 200 miyembro ng Batangas ERPAT na naglakad suot ang high heels ng kanilang mga misis. Layunin ng walk on heels ang pagpapalawak ng kamalayan ng publiko sa dinaranas na karahasan ng mga kababaihan at mga kabataan sa buong bansa.
Orihinal na nagsimula at isinagawa sa bansang Amerika, ang Walk on Heels Charity Event na ginagawa ng mga Men’s organization sa buong mundo upang mangalap ng pondo para makatulong sa mga rape victims sa kanilang mga bansa. Sa Lalawigan ng Batangas, layunin magamit ang makakalap na pondo mula sa charity walk sa pagtulong sa mga kababaihan at kabataang biktima ng ibat’t-ibang forms violence, bukod sa rape, tulad ng domestic violence, physical abuse, mental abuse, at employment and economic abuses.