Bawas presyo sa produktong petrolyo, tila pampalubag loob lamang ayon sa mga tsuper
Matapos ang ilang linggong sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo nagpatupad ang mga kompanya ng langis ng bawas presyo, bagamat mabuti kahit paano pero sabi ng ilang jeepney driver sa Lucena City ang rollback na ito ay tila pampalubag loob lamang para sa kanilang mga namamasada.
‘’Pampalubag loob lang sa driver”, sabi ni Mang Dante.
‘’Pakunswelo lang yun tapos biglang taas, magtataas sila ng 2 piso tapos tataas sila ng anim,” ayon kay Edmon.
Epektibo noong umaga ng Abril 25, 2023 ang pagpapatupad ng mga kompanya ng langis sa kanilang oil price rollback.
Piso at kwarenta sentimos ang bawas-presyo sa gasoline, seventy centavos sa diesel at twenty centavos naman sa kerosene.
Sabi pa ng tsuper na si Mamang Dante bagamat may kaunting tulong pero,
“Pataas naman yan sa susunod.”
Sabi pa ng ilang jeepney driver parang pina-iikot ikot nalang daw ang mga motorista sa lagay ng oil price adjustment, laging lamang ang pagtaas ng presyo.
Tila malabo na raw na maibalik pa sa dating presyuhan ang langis, bagay na unti-unti na raw na pumapatay sa kanilang kabuhayan.