News

Bayan ng Pagbilao idineklara ng insurgency-free

Idineklara nang isang insurgency-free ang bayan ng Pagbilao, Quezon.

Kabilang na ang naturang bayan sa mga lugar sa lalawigan ng Quezon na sinasabing malaya sa rebelyon o walang mga aktibidad o kaguluhan bunsod ng mga makakaliwang grupo.

Noong nakaraang araw lamang nang lumagda sa isang kasunduan sa pagitan ng AFP at PNP at iba pang mga stakeholder na patuloy na isinusulong ang katahimikan sa bayan laban sa mga komunistang grupo.

Ang ceremonial signing ng Memorandum of Understanding (MOU) para sa deklarasyon ng Stable Internal Peace and Security sa Pagbilao bilang insurgency-free ay sinabing hudyat ng lalo pang pagpapalakas sa lokal na ekonomiya.

Ang pagiging insurgency-free ng isang bayan ay lalo pa umanong makakahikayat ng mga mamumuhunan.

Inihahandog ang SIPS status sa mga bayan na walang violent terroristic activity dulot ng makakaliwang grupo sa loob ng nakalipas na isang taon.

Ang MOU signing ay pinangunahan nina Provincial Administrator Manuel Butardo, Mayor Ate Gigi Portes, Quezon Police Provincial Office Director PCOL Ledon Monte, 1st QPMFC-QPPO Force Commander PMAJ Rodelio Calawit, 201st Infrantry Brigade 2ID PA BGEN Erwin Alea, 59th Infantry Battalion 2ID PA Commander LTCOL Ernesto Teneza Jr., Brigade Executive Officer LTCOL Erwin Glenn Romero, APC-SL Commander PLTGEN Rhoderick Armamento, MLGOO Engr. Sarah Rivera, Acting Chief of Police Pagbilao MPS PMAJ Charlotte Fiesta Zahid, at Acting Municipal Fire Marshal SINSP Atty. Randy Baconawa.

Saksi rin sa programa sina Coun. Mary Catherine Martinez-Garcia, Municipal Administrator Engr. Ian Palicpic, department heads at mga kawani ng pamahalaang lokal, mga kapulisan, at mga bumbero ng munisipyo.

Pin It on Pinterest